Logo
bible
Sermon

The Holy Scriptures as the Church’s Final Arbiter

By Deacon Psalm Caña

Key Verses: Acts 17: 10-13;

 

Briefer:

Sa pagpapatuloy ng ating pagtalakay sa Chapter 1 ng 1689 London Baptist Confession of Faith, mainam lang na magbalik tanaw lang tayo sa mga nakaraan nagpangaral patungkol sa banal na kasulatan. As taught by our fellow preachers ating naitindig ang iba’t-ibang katangian nito.

 

We have tackled its necessity (kinakailangan siya tungo sa ating kaligtasan), identity (kung ano-ano ang mga bumubong libro nito mula sa luma at bagong tipan), authority (ang ating tanging batayan sa ating doktrina, pananampalataya maski ang ating pamumuhay), clarity (naiintindahan at nauunahan maski sa iba’t ibang wika).

 

Ngayon naman tatalakayin natin ang mga huling paragraph nito na pumapatungkol na ang bibliya ang tanging otoridad at batayan sa anumang mga pagkakaiba sa ating doktrina. Idadagdag rin natin na tanging ang bibliya lang ang maaring magpatunay sa kaniyang sarili.

 

The Holy Scriptures is self-authenticating. Ang bibliya ay napapatunayang totoo dahil hindi into naglalaman ng anumang kamalian o anumang kontradiksyon (Inerrant) at hindi ito pwedeng magkamali (infallible).

 

Kaya nga hindi basta-basta ang katangian ng banal na kasulatan bilang self-authenticating. If scriptures is true based only on outside sources/reference, then the external source is higher than scriptures.

 

MAIN IDEA:

Ang bibliya lamang ang natatanging batayan, panukat, at pundasyon ng ating pananampalataya. Ang mga mananampalataya pati ang sumasalungat sa mensahe ay nasa ilalim ng otoridad ng Salita ng Diyos.

 

Two Points:

  1. Authority of Scriptures over the Church and its Ministers
  2. Authority of Scriptures even to those who reject the gospel message


1. Authority of Scriptures over the Church and its Ministers (Acts 17:  10-13)

 

Sa binasa nating talata, ang pagpapahayag ng Ebanghelyo nina  Apostol Pablo at Silas sa Thessalonica at Berea ay tinuturing na pangalawang yugto ng kaniyang ministeryo.

 

Ipinapangaral rin ni Lucas sa kaniyang salaysay ang magkaibang  pagtanggap ng Ebanghelyo ng hudyo sa Thessalonica at Berea. 

 

Kung sa Thessalonica, pinapakita na may mga nakinig at nanampalataya sa pangangaral ni Pablo, higit ang bilang ng mga Hudyo na tumatanggi at pilit na hinahadlangan ang kaniyang pangangaral ng Ebanghelyo

 

Habang tinawag naman na mas marangal (more noble) ang mga taga-Berea dahil sa kahandaan nilang makinig ng pinapangaral ni Pablo at ikumpara ito sa banal na kasulatan. Kanilang inaaral kung nagtutugma ang pinapangaral ni Apostol Pablo sa mga pinangaral ng mga propeta sa lumang tipan.

 

Maari rin nating i-consider na sa Acts 9, ang ministeryo ni Pablo ang ang kaniyang pagiging Apostol ni Kristo Hesus ay kinumpirma at pinatunayan ni Barnabas at maaring nakarating ang balitang ito sa ibang bahagi ng Gresya (at Europa)

 

Even though Paul is considered as an Apostle of Christ, the Bereans  compared his teachings with the teachings of the Prophets from the Old Testament. Paul did not consider such reaction to his teachings as an  offense to his ministry or a response that undermines his ministry but instead he consider those acts  to be “more noble-minded than those in Thessalonica”. Apostle Paul commends what the response of Bereans to his gospel proclamation.

 

Sin to Mortify: Fanaticism

Base sa Acts 17 at maski  sa iba pang epistles ni Apostol Pablo, he constantly reminds us that the words, teachings, and even the life of the Ministers should adhere to what the word of God has set. Ang otoridad at ministeryo ng Iglesiya at ang mga manggagawa nito ay nanggagaling sa Panginoong Diyos sa pamamagitan ng kaniyang salita.

 

The Church and ministers authority is not absolute nor above the Scriptures. Every time na tumatayo ang mga lingkod ng Panginoon, ang mananampalataya ay inaasahan na suriin ang mga pinapangaral sa kaniya kung tugma o taliwas ito sa salita ng Diyos.

 

While we are not called to be skeptics or to continually doubt our ministers, we are called to examine what they teach with the Word of God. Their office does not exempt them to what the Word of God teaches.

 

Ang pangangaral at pamumuhay ng mga lingkod ay nagpapailalim sa salita ng Panginoon.

 

Ang otoridad ng mga lingkod ng Iglesiya ay hindi makahihigit sa salita ng Diyos. Nararapat lang na tumaliwas sa kanila and call them out to their sin  kung di na ayon ang kanilang tinuturo o pamumuhay sa batayang ipinahayag sa Salita ng Diyos.

 

Iwasan natin na maging passive na tagapakinig ng salita ng Diyos. Kaya nga madalas tayong pinapapaalalahanan na di lamang tayo basta-basta nakikinig sa pangangaral sa atin kundi dapat aktibo rin ang ating pag-iisip. Consider the part wherein the Bereans examining Paul’s message with Old Testament days after it was proclaimed.

 

May our allegiance belong solely on God and His Word.

 

Grace to Vivify: High View of Scriptures

Habang tayo’y tinuturuan na suportahan (Hebrews 13:17) at magpasakop tayo sa ating mga Pastor at mga officers sa ating Iglesiya, dapat tayo magkaroon muna ng tamang pagtingin sa salita ng Diyos. Kaya beneficial rin na may mga gawain tayo tulad ng Q and A kung saan naipaparating natin ang ating mga tanong at repleksyon sa tinalakay na teksto sa ating pagsamba.

 

Kung tama ang pagtrato natin sa salita ng Diyos, nabibigyang galang din natin ang mga tagapagturo nito na naayon sa pagsusukat na itinuturo ng bibliya. Tandaan natin na hindi kailanman mas nakahihigit ang mga lingkod ng Iglesiya kaysa sa salita ng Diyos. Ang kanilang otoridad ay nakadepende lamang sa otoridad na pinagkakaloob ng Diyos na nakapahayag sa kaniyang salita mismo na nasa banal na kasulatan.

 

NOTE:

A high view of Scripture guards the Church against both cult-like devotion to its leaders and careless neglect or disobedience of God’s Word.


2. Authority of Scriptures even to those who reject the Gospel (Acts 28)

 

Sa pag-aaral naman natin sa parteng na ito, makakatulong sa atin na makita ang tugon ng mga hudyo tuwing pinapangaral sa kanila ang ebanghelyo, partikular ang kamatayan at muling pagkabuhay nangamuli ng panginoong tagapagligtas, si Hesu Kristo. Through various verses, Luke is narrates various events wherein Jews not only reject the gospel proclamation, they are also actively doing ways to harm those who share this gospel truth (Acts 17: 5-6;  Acts 18:17).

 

Kaya nga sa pakikipag-usap ni Apostol Pablo sa mga hudyo sa Roma, pinangaral niya ang ebanghelyo ni Kristo Hesus sa pagpapaliwanag ng kautusan ni Moises at ang mga pangangaral ng mga Propeta ngunit may mga hudyo pa rin na tinatanggi at nilalabanan ang mensahe ni Pablo kaya inulit niya ang mga salita ni Propetang Esias (Acts 28: 25-27 cf Isaiah 6: 9-10):

 

25 And when they disagreed with one another, they began leaving after Paul had spoken one word, “The Holy Spirit rightly spoke through Isaiah the prophet to your fathers, 26 saying,

‘Go to this people and say, “You will keep on hearing, but will not understand; And you will keep on seeing, but will not perceive; 27 For the heart of this people has become dull,

And with their ears they scarcely hear, And they have closed their eyes; Lest they might see with their eyes, And hear with their ears, And understand with their heart and return, And I heal them.”’

 

Ang otoridad ng Diyos ay napapatanuyan hindi lamang sa pagliligtas ng mga taong nanampalataya pagkatapos marinig at maipangaral ang ebanghelyo sa kanila, naipapakita rin ang otoridad at paghuhukom ng Diyos sa patuloy na pagsalungat at pagrebelde ng mga tao na nakarinig sa mensaheng nakapaloob na banal na kasulatan.

 

In a similar point, huwag tayong panghinaan ng loob sa pagbabahagi ng salita ng Diyos, God is glorified in the salvation of His People and destruction for those who rebel against Him. For us who are united in Christ, we are called to faithfully preach and teach the gospel to others. And the very means to save sinners are provided to scriptures that we very hold unto. We ought to be faithful to the very words of God contained in the Holy Scriptures.

 

Ang Panginoon mismo ang nagtakda kung paano maliligtas ang kaniyang mga tupa. Sa pamamgitan nang matapat na pangagaral ng kaniyang salita. Hindi natin kailangan mag-iisip ng mga pakulo o anumang makamundong hakbang o gawain upang makahikayat ng mga mananampalataya.

 

The Words of the Lord and its corresponding offense is sufficient to prick the hearts of sinners and call them to faith and response. The same message also accomplishes its goal by hardening the hears of unbelievers towards their judgment and destruction.

 

Sin to Mortify: Low View on Evangelism

Sa pag-aaral natin sa mga teksto, makita natin kung papaano pinangaral ni Pablo ang ebanghelyo sa kapwa niya mga hudyo at mga hentil. We see that Paul’s gospel proclamation can even last for several weeks (Thessalonica and Berea). Nawa’y magkaroon tayo ng kahandaan at katapangan maipangaral ang salita ng Diyos sa mga kakilala at kamag-anak. Huwag nating maliitin ang gawaing ito. Tandaan mo kapatid, eternidad nila ang nakasalalay dito. While the salvation of sinners solely rests on the Triune Work of God, the Lord provided the very means on how He will save His people. Through the proclamation of the gospel. Christ. His finished work, death, and resurrection and His return.


Grace to Vivify: Gospel-Saturated Life

Hindi man tayong lahat tinawag na maging tangapangaral at tagapagpahayag ng Salita ng Diyos. Maari nating maipahayag ng epektibo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng buhay na tinitimpi ng salita ng Diyos. Maipapahayag natin ang ebanghelyo kung naipapamuhay natin ang ebanghelyo sa ating buhay. Are we faithful in our ministries? In our vocation? In our friends and families? Nakikita ba ng mga nakakasalamuha natin ang pangangaral ni Kristo Hesus. How can we effectively share the gospel to our family kung hindi natin nagagampanan ang pagiging biblikal na asawa, magulang, o anak sa ating pamilya.

 

Magkakaroon rin tayo ng tamang pagpapahalaga sa pagbabahagi ng ebanghelyo kung tama at tunay na nauunawaan natin ito. If we truly inderstand the gospel message then it follows that there is a dire need and urgency to proclaim the gospel to our fellow men. If we truly have the correct idea of what awaits those who reject the gospel, then it our duty to faithfully share the gospel of Christ to every sinner we know.

 

CHALLENGE:

Tunay na hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng pagkakaiba sa doctrina (due to existence of various creeds and confessions within the Christendom) yet while these creeds and confessions are helpful to guard us from errors and heresy they are not of equal footing with scriptures. Kaya nga in our disagreements within the Christendom, we can cite works of other theologians, portions of creeds and confessions but ultimately our final arbiter is the Word of God, guided by the working of the Holy Spirit.

NOTE:

Creeds, Councils, Commentaries (even though they benefit the Church) does not possess the authority to bind the Church and its people. All that we confess are subject to the scriptures, the very word of God, Himself.

CONCLUSION:

Scripture’s authority is vindicated both in the salvation of those who heed the gospel call and in the judgment of those who continually reject it.