Logo
church
Sermon

The Glory of the Triune God in the Church

By Bro. Ezekiel Asis

Theme: Ang pangunahing tema ng sulat ni Pablo sa Efeso ay pumapatungkol sa Iglesya bilang katawan ni Hesu-Cristo


  • Ipinapakita dito kung paanong inibig ni Cristo ang Iglesya sa pamamagitan ng kanyang tinapos na gawa
  • Eph 1:21-22: "higit na mataas kaysa lahat ng pamunuan, kapamahalaan, kapangyarihan, at paghahari, at sa bawat pangalan na pinangalanan, hindi lamang sa panahong ito, kundi maging sa darating na panahon. At kanyang inilagay ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kanyang mga paa, at ginawa siyang ulo ng lahat ng mga bagay sa iglesya,"
  • At ang katotohanan na ito ay nangingibabaw sa ating mga binasang talata


Note: Dito sa chapter 3 ay ipinapaliwanag ni Pablo na kung ano ang hiwaga o mystery na nakatago noong unang panahon, sa panahon ng Lumang Tipan, at ito kapahayagan ng hiwaga ni Hesu-Cristo


  • Eph 3:4: "Sa inyong pagbasa ay mauunawaan ninyo ang aking pagkaunawa sa hiwaga ni Cristo."
  • Na bahagi ng kapahayagan na ito ay kasama ang mga Hentil sa iisang katawan ni Cristo (v. 6)
  • Tumugon siya pamamagitan ng panalangin, dahil ang panalangin ang pangunahing tugon ng isang mananampalataya kapag naranasan at nakita niya ang kadakilaan ng Diyos sa ebanghelyo
  • Ang nangingibabaw sa panalangin na ito ay ang Trinidad na Diyos, at makikita natin dito ang unique status ng New Covenant People, wala kayong makikitang panalangin sa Lumang Tipan na ganito ka-explicit na ang object mismo ay ang Triune God, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu


[James R. White, The Forgotten Trinity: 14] – “upon reflection, we discover that the Trinity is the highest revelation God has made of himself to His people. It is the capstone, the summit, the brightest star in the firmament of divine truths.”

 

MESSAGE:

Dahil sa biyaya at habag ng Trinidad na Diyos, pinili niya na manahan ang Kanyang Kaluwalhatian sa Iglesya sa pamamagitan ni Hesu-Cristo, at ito ang tanging kalakasan at kaaliwan ng Iglesya…


The ground of our perseverance

Note: Makikita natin sa tl. 14 na si Pablo ay nananalangin sa Ama sa pamamagitan ng maluwalhating kayamanan ng Ama sila ay palakasin


  • Ano ang ibig sabihin ng “kayamanan” na ito na magbibigay ng lakas sa mga Ephesians?
  • Ang ibig sabihin ng kayamanan dito ay ipinakita na ni Pablo sa mga naunang talata, sa tl. 8, pinaghambing niya ang kanyang kababaan sa “di-masukat na mga kayamanan ni Cristo” upang ipakita ang kataasan ng kayamanan na ito
  • Ang kayamanan na ito ng Diyos ang nagpatawad sa ating mga kasalanan, ipinakita niya ito sa 2:7
  • Ang di-masukat na kayamanan na ito ng Diyos ay ipinahayag sa kanyang biyaya at habag na nagligtas sa atin mula sa kamatayan, at nagbigay sa atin ng buhay na walang hanggan


POINT:

Ang pundasyon ng ating pagpapatuloy bilang isang mananampalataya at bilang Iglesya ay ang pananahan at pagkakalinga ng Trinidad na Diyos


[Sin to Mortify] – May mga panahon na umaasa na lamang tayo sa ating sariling lakas at kakayanan.


  • Ito man ay sa ating mga ministeryo o sa Kristiyanong pamumuhay


[Gospel Cure] – Ang buong buhay dapat ng isang mananampalataya at iglesya ay umaasa sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu


CHALLENGE:

Ang katotohanan na ang Trinidad na Diyos ang kumakalinga sa atin ay dapat magbigay ng kagalakan, at mag-resulta ito ng pagpapatuloy sa atin


[Ryan McGraw] – “even though God’s Triunity transcends our comprehension, the apostle Paul placed this doctrine at the heart of our faith and of our Christians experience. Therefore, it is to our detriment if we do not think about our Christian lives in terms of fellowship with the work of all three divine Persons. The Triune God Himself is our comfort, our blessedness, and our exceedingly great reward.”

 

The ground of Christian faith

Note: Ang sabi ni Pablo sa tl. 17b, “being rooted and grounded in love”, ang mga salitang “nag-uugat at tumitibay” ay parehas pumapangtunkol sa paglaki o pag-unlad


  • Ang “nag-uugat” ay naglalarawan sa paglaki ng isang puno at ang “tumitibay” ay pumapatungkol naman sa gusali
  • Ang ganitong larawan ay makikita natin sa ibang parte ng bibliya (Matt. 7:15-20, 24-27; 1 Cor. 3:9)
  • At ang pundasyon ng Kristyanong paglago ay ang pag-ibig ng Diyos 
  • Inilarawan ni Pablo na ang templo na ito ay binubuo ng lahat ng uri ng tao, Hudyo man o Hentil (2:19), ipinapakita nito sa atin na ang pag-ibig ng Diyos ay singlawak ng mundo


POINT:

Ang pundasyon ng Cristianong pananampalataya ay ang pag-ibig ng Trinidad na Diyos sa pamamagitan ng ebanghelyo ni Cristo


  • Dahil sa pag-ibig ni Cristo, ang Iglesya ay may taglay taglay na kapangyarihan
  • Kapangyarihan na ipangaral ang ebanghelyo
  • Kapangyarihan na patayin ang kasalanan


CHALLENGE:

Sa lahat ng ating ginagawa bilang Cristiano, nainisin natin na ang kapangyarihan ng pag-ibig ni Cristo ay sumagana sa atin


  • Lahat ng ating ginawa para sa Diyos ay resulta lamang ng pag-ibig ni Cristo sa atin
  • Ang sabi ni Pablo sa v. 19b, “upang kayo’y mapuno ng lahat ng kapuspusan ng Diyos.”
  • Ano ang resulta na malaman natin na ang kadakilaan ng pag-ibig ni Cristo ay mas higit pa sa kaalaman? Ang sabi ni Pablo para tayo ay mapuno ng kapuspusan ng Diyos
  • Ang ibig sabihin na tayo ay mapuno ng kapuspusan ng Diyos ay ipinaliwanag niya sa mga naunang mga talata
  • Sa huling bahagi ng chapter 1, ipinaliwanag ni Pablo na ang Iglesya ang kapangyarihan ni Cristo na ipangaral ang ebanghelyo sa buong mundo na “pumupuspos ng lahat sa lahat.”
  • Ang kapuspusan ng Diyos ay ang soberano niyang kapangyarihan para baguhin ang mundong ito sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, at ito ang kapangyarihan na nasa Iglesya


[Sin to mortify] – Kapag gumagawa tayo ministeryo o sa pagpapabanal na para bang obligasyon na lamang at wala ang pag-ibig at kagalakan


[Gospel Cure] – Sa ating mga ginagawa sa loob ng Iglesya, dapat ang motibasyon natin ay ang pag-ibig ni Cristo sa atin at ang ating pag-ibig sa kanya