Logo
Sermon

Sanctification through the Sacrifice of Christ

By Preacher Ezekiel Asis

Note: Pagkatapos ipakita ng author na isang beses lamang naghandog si Cristo, hindi kagaya ng paulit-ulit na paghahandog sa lumang tipan, ang kanyang paghahandog ay pagpapakita rin na natapos na ang Lumang Tipan. (Heb. 9:26)


  • Idinidiin dito ng manunulat na ang Lumang Tipan ay anino lamang ng “mabubuting bagay na darating” o ang Bagong Tipan, at hindi talaga ito nagbibigay ng totoong paglilinis, ang panloob na paglilinis.

 

Message: “Dahil sa minsanang paghahandog ni Hesu-Cristo sa Ama, tumanggap ng tiyak at totoong paglilinis ang mga kasapi ng Bagong Tipan.”

 

Ang Kayang Gawin at Hindi Kayang Gawin ng Kautusan

Note: Malinaw sa talatang 1 na ipinapakita dito ng manunulat na ang Lumang Tipan ay anino lamang ng mga mabubuting bagay na parating.


  • Sa isang Hudyo, ito ay isang insulto, dahil ang mga sakripisyo, templo, mga tao sa Lumang Tipan ang mga bagay na ipinagmamalaki nila, pero ang sinasabi ng author ito ay anino lamang at hindi ang reyalidad.
  • Ito ay ipinakita na nang author sa pagsasabi niya na ang sanktwaryo sa disyerto ay anino lamang ng langit… (Hebrews 8:5)
  • Tandaan natin na ang mga kautusan, mga sakripisyo sa Lumang Tipan ay mabuti, dahil ito ay mga reflection ng kabanalan ng Diyos.
  • Pero hindi nito kayang magbigay ng totoong paglilinis at hindi nito kayang alisin ang panunumbat ng kautusan.
  • Dahil sa kasalanan ng Israel, ang taung-taong sakripisyo ay paalaala ng paulit-ulit nilang kasalanan.


Point: Ang Lumang Tipan at ang Kautusan ay nagtuturo sa ating pagiging makasalanan, sa pagiging walang kakayanan, at sa kabanalan ng Diyos na nagpapabigat ng kalagayan bilang makasalanan.


[Sin to mortify] – ang pagmamalaki dahil sa mga ginagawa nating paglilingkod.


  • Minsan, iniisip natin na kailangan tayo ng Diyos para magpatuloy ang isang gawain.
  • Sa ating pagkakaloob, may mga panahon na nagbubunga ito sa atin ng pagmamalaki.
  • Ang lahat ng ginagawa natin para sa Diyos ay hindi sakripisyo, ito ay pribilehiyo.


[Sin to mortify] – Mas pinapahalagahan natin ang mga kaloob kaysa sa Nagkaloob.


  • Kagaya ng Lumang Tipan, ito naman ay mabuti, subalit ang ginagawa ng mga mananampalatayang ito ay hindi nila ito nakikita sa liwanag ni Hesu-Cristo.
  • Ganito rin ang ginagawa natin kapag mas pinapahalagahan natin ang mga bagay na mabubuti naman at ito ang mas nagiging priority natin kaysa kay Cristo.


[John Piper] – “The greatest adversary of love to God is not his enemies but his gifts. And the most deadly appetites are. . . for the simple pleasures of the earth. For when these replace an appetite for God himself, the idolatry is scarcely recognizable, and almost incurable.”


Gospel Cure/Challenge: Lagi nating isipin na tayo lamang ay mga makasalanang kinahabagan ng Diyos, at ito ay dapat magbunga sa atin ng pasasalamat at kagalakan sa paglilingkod sa Diyos, at makita natin ang kasapatan ng Panginoong Hesu-Cristo.

 

Perpektong Sakripisyo ni Hesu-Cristo

Note: Pagkatapos sabihin ng author na walang kakayanang magbigay ng totoong paglilinis ang mga sakripisyo sa Lumang Tipan, ipinakita Niya ang malaking pagkakaiba ng sakripisyo ni Hesu-Cristo.


  • Ang “pagdating ni Cristo sa sanlibutan”  ay katumbas ng “Nang si Hesu-Cristo ay ipinanganak”.
  • Ang idinidiin dito ng author ay ang totoong Diyos ay nagkatawang tao “ngunit ipinaghando mo ako ng isang katawan”
  • Ito ay galing sa Psalm 40, at ang ginawa ng author ay ini-apply Niya ito na as if si Christ ang nagsasalita.
  • Point: Inihandog ni Hesu-Cristo ang Kanyang buong pagkatao upang maging malinis ang ating buong pagkatao.
  • Dahil perpekto ang buong pagkatao ng Panginoong Hesu-Cristo, ito ang naranasan at mararanasan natin sa Kanyang muling pagbabalik, ang pagbibigay sa atin ng niluwalhating katawan.


[Sin to Mortify] – Ang hindi paghahanda ng ating physical na katawan para sa araw ng pag-samba.


Gospel-cure/Challenge: Dahil iniligtas at nilinis ng Panginoong Hesu-Cristo ang ating buong pagkatao, ipakita natin ang paglilinis na ito sa lahat ng parte at bahagi n gating buong pagkatao.