Logo
Sermon

Redeemed for Worship

By Bro. Ezekiel Asis

Note: Pagkatapos ipakita ng manunulat ang kahalagahan ng disiplina at kabanalan, nagbigay na naman siya ng isang case mula sa Lumang Tipan, ito ay pumapatungkol kay Esau, na ipinagpalita ang kanyang privilege sa panandaliang kasiyahan, kaya hindi siya naka-tanggap ng mana.

  • At kasalanan ni Esau ay ini-relate ng author sa Sinai, “For you have not come to a mountain”, ang connection ni Esau ay at ng Sinai ay nasa konteksto ng Tipan.
  • Ipinapakita dito ng author, kung sa ilalim ng isang temporal at physical na Tipan ay may tiyak na kaparusahan, how much more sa isang Tipan na eternal.
  • Ibig sabihin kung mas dakila ang pagpapala ng Bagong Tipan, mas dakila at mabigat rin ang responsibility (25).
  • Ang mga descriptions ng author sa verses 18-21 ay galing sa Exodus and Deuteronomy.
  • Particularly, noong katagpuan ng Diyos ang Israel sa Mt. Sinai, mababasa natin ito Exodus 19 and 20, ito ang pakikipag-tipan ng Diyos sa kanila at pagbibigay ng utos.
  • Tandaan natin na ang layunin ng Diyos sa pagliligtas Niya sa Israel ay hindi lang for the sake of their redemption at gawin kung ano nalang ang gusto nilang gawin.
  • Exodus 5:1, “Thus says Yahweh, the God of Israel, ‘Let My people go that they may celebrate a feast to me in the wilderness.’”
  • The purpose of their redemption is so that they may feast with Yahweh, signifying deeper communion in the context of worship.

 

MESSAGE:

“The purpose of Christ redeeming us is to bring us into a deeper communion with the Holy God through worship.”

 

The Holiness of God as the priority of worship

Note:  Sa pagbanggit ng sumulat ng Heb. Sa Deut 4 at 9 ay pumapatungkol sa pagtatayo ng Lumang Tipan

  • At ang sentro ng mga talatang ito ay ang Sampung utos ng Diyos
  • At ang parehas na mga talata ay nagsasalita patungkol sa bundok na nag-aapoy, Deut 4:11
  • Ipinapakita dito ang kakulangan ng Israel, at ang kataasan ng Diyos, ang hindi malapitan at nakakatakot na presensya ng Diyos sa ilalim ng Lumang Tipan.
  • B. F. Westcott comments: “That which the writer describes is the form of the revelation, fire and darkness and thunder, material signs of the nature of God. Thus every element is one which outwardly moves fear.... The mountain is lost in the fire and smoke. It was, so to speak, no longer a mountain. It becomes a manifestation of terrible majesty, a symbol of the Divine Presence.”
  • Kung ang kabalanan ng Diyos ang priyoridad sa pag-samba, sa ating pagiging makasalanan, walang makakalapit sa Diyos.
  • Subalit pinagningning ng Diyos ang Kanyang kabanalan sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Cristo.


POINT:

Christ satisfied the holiness of God so that you and I can come not to Mt. Sinai, but to Mt. Zion, where the heavenly presence of God dwells.


  • Hindi kinompromiso ng Diyos ang kanyang kabanalan sa Bagong Tipan sa halip pinagtibay pa niya ito sa pamamagitan ng buhay at kamatayan ng Panginoong Hesu-Cristo.
  • Ang priyoridad ni Hesu-Cristo ay ang kabanalan ng Kanyang Ama.
  • [Sin to be mortified] – Ang pagtingin sa pagsamba bilang ritwal na lamang sa halip na makita na ito ay pagharap sa banal na Diyos.
  • Ang isang halimbawa nito ay ang hindi paghahanda sa pagsamba.


Gospel Cure/Challenge: Palagian nating makita ang kabanalan ng Diyos sa pagsamba, kinailangan na mamatay ang Panginoong Hesu-Cristo upang tayo ay makalapit muli sa Diyos! Nangangailangan ito ng paggalang at pagkatakot sa ating pagsamba!

 

Worship as a priority for believers

Note: Kung kayo ay isang Hudyo, napakaradikal ng sinasabi dito ng author sa verses 18 and 22, dahil ang mga Hudyo ay nagmamalaki sa Bundok ng Sinai, sa kanilang templo

  • Subalit ang sinasabi dito ng author, hindi na ang Sinai ang lugar ng pagsamba.
  • Ang sabi ni Jesus sa John 4:23: "Subalit dumarating ang oras at ngayon na nga, na sasambahin ng mga tunay na sumasamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat hinahanap ng Ama ang gayong mga sumasamba sa kanya."
  • Ipinapakita dito ni Jesus na sa kanyang pagdating, siya na ang katuparan ng mga pangako ng Lumang Tipan 
  • At in contrast sa Old Covenant worship, para nation ng Israel, para mapatawad ang kanilang kasalanan bilang bansa, Heb 9:13-14


POINT:

The intention of God in our salvation is a deeper communion with Him through Worship.


  • Nilikha sila Adam and Even to glorify and enjoy God forever.
  • Kung hindi nahulog sa kasalanan sila Adan at Eba, makakatanggap sila ng mas higit na kaluwalhatian at kagalakan sa Diyos.
  • At ang hindi nagawa ni Adan, ang Panginoong Hesu-Cristo ang gumawa.
  • Ang sabi ng ating text (v. 24), ipinapakita dito na kapag sila ay laging bumabalik sa kautusan, ito nagbibigay lang kabigatan.
  • Because the blood of Abel cried out for vengeance, the Old Covenant serves as a symbol of death.
  • In contrast, the blood of Christ brought grace and mercy. The New Covenant is unconditional because its eternal condition was fulfilled by our Mediator.
  • Salvation is not the ultimate end of the New Covenant's establishment; rather, it is communion with God. It is an eschatological reality!


[Sin to be mortified] – When we separate salvation and worship.


  • Kung ang intention pala ng kaligtasan ay pagsamba, kung walang kagalakan sa pagsamba, ito sinyales ng panlalamig.
  • At ang isa rin sa sinyales ng pagtalikod ay ang panlalamig sa pagsamba.


Gospel Cure/ Challenge: Sa iyong panlalamig sa pagsamba, ang kagandahan ng Persona ni Cristo sa Ebanghelyo ang magbigay sa atin ng kagustuhan at kagalakan na maging prioridad natin ang pagsamba