No Other Gospel
By Bro. Jordan Ravanes
Layunin: Ipakita na ang pagtawag ng Diyos sa atin sa biyaya ni Cristo ang siyang magpapanatili sa atin na patuloy na nakaasa sa tunay na ebanghelyo, upang sa araw-araw na pagconsume natin nito ay makatagpo tayo ng lakas at kasiyahan kay Cristo, at mapangalagaan ang ating mga kaluluwa laban sa pekeng ebanghelyo na nagnanais manlinlang sa Iglesia.
Mensahe: Ang Tunay na Ebanghelyo ang Tumatawag sa mga Tao para sa Kaligtasan; kaya ang sinumang sumunod o mangaral ng pekeng ebanghelyo ay may nakaabang na banta ng kaparusahan.
Unang Punto: The True Gospel that Called the Galatians (vv. 1–5)
Note: Paul affirms his divine calling and apostleship from Christ, not from men.
- Ang mga taga-Galatia ay dati’y alipin ng batas (mga Hudyo) at ng idolatry (mga Hentil).
- Ngunit tinawag sila ng Diyos sa biyaya ni Cristo na naghandog ng sarili upang iligtas sila sa kasalanan.
- The gospel brought them peace with God through Christ’s substitutionary death.
Punto: Ang tunay na ebanghelyo lamang ang nagliligtas, nagbabago ng buhay, at nagbibigay ng kapayapaan sa Diyos.
Hamon: Bilang mananampalataya, huwag tayong umasa sa “self-medication” laban sa kasalanan. Tumakbo tayo papalapit kay Cristo, ating High Priest, at sa Kanyang tapos na gawa sa krus.
Ikalawang Punto: The False Gospel that Fooled the Galatians (vv. 6–9)
Note: Ang Judaizers ay nagturo ng “gospel plus” (circumcision + faith).
- Paul was astonished at how quickly the Galatians turned to a different gospel.
- Any addition to the gospel is no gospel at all, but any to it distortion brings curse.
- Even Paul or an angel has no authority to change the gospel of Christ.
Punto: Ang anumang “ibang ebanghelyo” ay mapanlinlang, nakakaalipin, at nagdadala ng sumpa ng Diyos.
Hamon: Lumago tayo sa mas malalim na pagkakilala kay Cristo sa pamamagitan ng personal study at pag-aaral ng mga doktrina gaya ng union with Christ, substitutionary atonement, at justification by faith. At bilang mga magulang, itaguyod natin ang gospel-immersed family worship upang bantayan ang kaisipan ng ating mga anak laban sa pekeng ebanghelyo ng mundo.
Hindi tayo kailanman ga-graduate sa ebanghelyo, sa ating pagbagsak ito ang bumabangon sa atin, sa ating tagumpay ito ang nagpapakumbaba, at sa ating paghihirap ito ang nagtuturo na magtiwala kay Cristo at sa Kanyang tinapos na gawa.
