Logo
Sermon

Mga banta sa loob at labas ng Iglesya

By Deacon Arron Merjudio

Ipinapakilala ni Pedro ang isa pang uri ng “prophetic word,” awtoridad, at pagtuturo, ngunit ito’y pawang mga huwad… lubos na kabaligtaran ng lahat ng inilalarawan sa chapter 1.


  • Ang chapter na ito ay tumatalakay na ngayon sa pagdating, ugali, at hatol ng mga huwad na propeta at tagapagturo. cf. Letter of Jude
  • Bagama’t mabigat ang babala at negatibo ang tono ng chapter na ito, nagbibigay din ito ng isang makapangyarihang katotohanang magpapalakas ng ating loob—hindi lamang sa kanilang panahon kundi maging sa mga mananampalataya hanggang sa panahon natin ngayon


Message: Sa gitna ng mga huwad na katuruan, ipinakikita ng Diyos ang Kanyang soberanong pag-iingat: Pinoprotektahan Niya ang Kanyang mga hinirang at hinahasa niya ang kanilang doktrina,


Point 1: Maging handa sa lahat ng uri ng palsong katuruan sa loob at labas ng Iglesya v1-3


Note: Maraming teksto sa Lumang Tipan ang nagbabala sa Israel tungkol sa mga huwad na propeta (Deut. 13:1–5; Jer. 2:8). Kung paanong may mga huwad na propeta sa kalagitnaan ng bayan noong una, gayon din naman ngayon ay may mga huwad na tagapagturo na naghahayag ng aral na salungat sa ebanghelyo.


  • Matagal na silang nakahalubilo sa komunidad at kumakain pa kasama nila, sa panahong ito ng kanilang pagpapanggap, nagawa nilang palihim na maipasok ang kanilang mga mapanirang katuruan.
  • Ang salitang “palihim o secretly” ay kaugnay sa salitang ‘para’ na ang ibig sabihin ay “kasabay o katabi” → itinatanim nila ang kamalian na nakahalo sa katotohanan na parang magkaparehas at iisa ang dalawa.
  • Nagpapanggap silang “kasama natin,”. (B. Gore) ‘Nag-aasta silang kaibigan’ → kahalagahan ng tunay na maka-Diyos na pagkakaibigan.
  • Kanilang layunin: (1) Korap na awtoridad sa Iglesia (v.10–11; Jude 8) (2) Korap na pakinabang (3) Korap na nasa ng laman - (v2,18) - tulad ng Sodom at Gomorra
  • Kanilang hantungan: mabilis at tiyak na kaparusahan → pagkawasak ng Jerusalem (wakas ng kapanahunang hudyo AD 70)
  • Ang kanilang nakakatakot na impluwensya ay hindi nangangahulugang sila ay nagtatagumpay; ang kanilang presensya ay hindi katibayan na ang Diyos ay malayo, kundi patunay na natutupad ang Kaniyang salita. i.e Ps 37

 

Hamon: hindi dapat takot ang ating tugon, kundi kumpyansa sa salita ng Diyos, disiplinahin natin ang ating mga sarili na lumalim sa ebanghelyo, dahil hindi lamang palsong katuruan ang ginagapi nito pati narin ang mga huwad na pamumuhay.


Point 2: Maging magalak sa soberanong pagiingat ng Diyos sa kanyang Iglesya v4-10


Note: Pinakita ni Pedro hindi lamang ang kanyang tiyak na paghahatol kundi ang kanyang soberanong pag-iingat sa Kanyang tunay bayan at ito ay sa pamamagitan ng dalawang halimbawa… ang pagkahulog ng mga anghel at pag kawasak ng Sodom.


  • Account of Angels (Gen 6) - lumampas sa kanilang itinakdang posisyon → winasak sila ng Diyos.
      • Sa gitna ng trahedyang ito si Noe ay nakatagpo ng biyaya sa paningin ng Panginoon … may ipinapangaral siyang katuwiran → ang katuwiran ng Panginoong Hesu Kristo
      • Alam ng Diyos kung paano iligtas ang mga tapat sa kanya


  • Account of Sodom (Gen 19-20) - ibinigay nila ang kanilang sarili sa kahalayan at matinding karumihan.
      • Si Lot ay namumuhay sa lipunang ito, tatlong beses siyang tinawag na matuwid v7-8
      • Biyaya ng Diyos ang humatak sa kanya palabas ng sodom bago ang sakuna
      • Siya ay “lubhang nabagabag” at “pinahihirapan” ng kasamaan sa paligid niya.

 

Hamon: Ang maglalayo sa iyo mula sa korapsyon ng awtoridad, korapsyon ng salapi at korapsyon ng laman ay ang matibay at malalim na paninindigan na ang Bibliya ay ang salita ng Diyos.


  • Mayroong hindi mapipigilang pwersa ang banal na kasulatan na tiyak na bumubuhay at humahatol sa bawat kaluluwa.
  • Mas maging mainit at intentional ang iyong ministeryo, higit ang layunin ng Diyos na malantad at mahatulan ang mga ito gamit ang kanyang salita.
  • Ang pagiingat ng Panginoon sa Iglesya ay sa pamamagitan ng mga tapat na tagapanguna
      • Manalangin tayo para sa mga tagapanguna sa Iglesya
      • Igalang ang ating mga tagapanguna bilang paggalang sa awtoridad ni Kristo
      • Suportahan sa kanilang mga pangangailangan
      • Maging intentional at masidhi ang ministeryo sa kapatiran