
Lingkod ni Kristo - Lingkod ng bawat isa
By Deacon Arron Merjudio
Text: 1 Peter 1:1-5
Layunin: (1) Ipakita ang mataas at dakilang gampanin ng bawat pastol at tagapanguna bilang ekspresyon at ekstensyon ng pagpapastol ni Kristo sa kanyang Iglesia (2) Ipaunawa na ang kagalakan at kaaliwan ng bawat mananampalataya ay ang maging kasangkapan sa pagtataguyod ng kaharian ni Kristo.
Ang kailangan ng Iglesya upang mag survive at maging matatag sa mga matitinding hamon ay ang tapat na paglilingkod ng kanilang mga pastol…
➢ Kabahagi sa paglilingkod (v1a) - tinawag ni Kristo, pinagkatiwalaan ng kapatiran
➢ Kabahagi sa kapighatian (v1b) - may kakayanan na makiramay sa kahinaan ng bawat kapatid
➢ Kabahagi sa kaluwalhatian (v1c) - may kumpyansa sa kaluwalhatiang darating at hindi sa sarili
Mensahe: Isang pagpapala ang mapaglingkuran tayo ni Kristo sa pamamagitan ng kanyang mga pastol at mapaglingkuran si Kristo sa pamamagitan ng ating mga kapatid
➢ Ang mapaglingkuran si Kristo ayon sa kanyang panawagan sa atin ay isang pagpuputong ng pagpapala at kagalakan na sumasalamin sa kaluwalhatian.
Ang Panawagan ng Tapat na Pagpapastol v2-3
Note: sa tatlong negatibong salita ay may panagot na biyaya
➢ Hindi sapilitan → bukal sa loob, ayon sa kalooban ng Diyos cf. 2 Cor 9:7
○ Kakambal ng pagrereklamo cf. 4:9
○ Ang kagalakan ng isang pastol kay Kristo ay syang naibabahagi sa Iglesya.
➢ Hindi mahalay na pakinabang → masigasig cf 4:7
○ Isang upahan… walang kakayanan na iparanas ang pagpapastol ni Kristo
○ Ang nais ni Pedro sa bawat pastol ay ang hangarin ang kaligtasan ng kanyang mga tupa
➢ Hindi mapangibabaw → halimbawa sa kawan cf. Mk 9
○ Pamumuno o pamamanginoon tulad ng mga Hentil
○ Halimbawa sa kawan → humility of Christ
Punto: Ang paglilingkod sa Iglesya ay dapat kawangis ng paglilingkod ni Kristo. cf. Jer 23
Hamon: Ikagalak at pahalagahan ito ng isang Iglesya dahil sa bawat tapat na pangunguna ng mga pastor ito ay katuparan ng pangako ng Diyos sa kanyang bayan…
Ang Kasuotan ng Tapat na Paglilingkod v5
Note: tulad sa elder, hindi ito pangunahing usapin ng edad, hindi ibig sabihin na literal na bata o youth kundi mga miyembro na labas sa eldership
➢ Hindi arogante (5a) → mapagpasakop
○ Hindi ito kabigatan sa kanila dahil itinuro na ni Pedro ang biblikal na pagpapasakop cf. 1 Pet 3
➢ Hindi palalo (5b) → mapagpakumbaba
○ Sa ating panawagan bilang mga hinirang ng Diyos ang uniporme sa ating relasyon sa bawat isa ay ang pagpapakumbaba... against ‘domineering’ v3
○ Walang anuman ang meron tayo na hindi nanggaling sa Diyos…
➢ Laban ang Diyos (5c) → Mabiyaya ang Diyos
○ Ito ay laban sa layunin at paghahari ni Kristo sa kanyang Iglesia
Maging handa na paglingkuran ang bawat isa ayon sa paglilingkod ni Kristo sa kanyang Iglesya
