Logo
old church
Sermon

Heaven on Earth through the Blood of Christ

By Bro. Ezekiel Asis

Note: Pagkatapos sabihin ng manunulat na sa Lumang Tipan, kailangan ang pagwiwisik ng dugo sa mga gamit na gagamitin sa pagsamba bilang simbolo na walang makakalapit sa Diyos ng hindi nilinis o hindi pinabanal dahil Siya ay isang banal na Diyos, ang sabi ng manunulat, Heb 9:23: "Kaya't kailangan na ang mga sinipi mula sa mga bagay sa kalangitan ay linisin ng mga ito, ngunit ang mga bagay sa sangkalangitan ay sa pamamagitan ng higit na mabubuting handog kaysa mga ito."


  • Ang sinasabi dito ng manunulat, kung ang Lumang Tipan bilang anino lamang ay nangangailangan ng paglilinis sa pamamagitan ng mga animal sacrifices bilang pagpapakita ng kabanalan ng Diyos, paano pa kaya ang mga bagay sa sangkalangitan?


[John Owen, On Hebrews] – “By “heavenly things,” I understand all the effects of the counsel of God in Christ, in the redemption, worship, salvation, and eternal glory of the church; that is, Christ himself in all his offices, with all the spiritual and eternal effects of them on the souls and consciences of men, with all the worship of God by him according unto the gospel. For of all these things those of the law were the patterns.”


Message: “Dahil sa Dugo at Kamatayan ni Hesu-Cristo Bilang Panagot sa Kabanalan ng Diyos, Dinala Niya sa Atin ang Sangkalangitan, at Nararanasan natin ito sa pamamagitan ng mga espirituwal na

pagpapala.”


Ang minsang sakripisyo

Note: Makikita natin dito na nagpapatuloy ang manunulat sa pagkukumpara sa mga sakripisyo ng Lumang Tipan at sa Sakripisyo ng Panginoong Hesu-Cristo.

  • Mayroong pagkakapareho, parehong nangangailangan ng paglilinis sa pamamagitan ng pagwiwisik ng dugo, subalit malinaw na ang Lumang Tipan ay kopya o anino lamang ng sakripisyo ni Hesu-Cristo.
  • Siya ay pumasok sa tabernakulo at sanktuwaryo at sa presensya ng Diyos upang mag-alay on our behalf as High-Priest.
  • At ang malaking pagkakaiba ng Lumang Tipang sakripisyo, ito ay paulit-ulit nilang ginagawa dahil ang mga sakripisyo na ito ay hindi talaga nagkakaloob ng totoong kabayaran ng kasalanan.
  • Ang ibig sabihin po ng “nahayag sa katapusan ng panahon” “at the end of the ages” ay hindi pumapatungkol sa katapusan ng mundo.
  • Kundi ito ay pumapatungkol sa katapusan ng panahon ng mga Hudyo, ito ang tanong ng mga disipulo kay Cristo, Mat 24:3: "Samantalang siya'y nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kanya nang sarilinan ang mga alagad, na nagsasabi, "Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito at ano ang tanda ng iyong pagdating, at ng katapusan ng panahon?"
  • Ito ay pumapatungkol sa pagkawasak ng templo noong AD70… Bilang pagpapakita na Lumipas na ang Lumang Tipan at ang Panahon ng mga Hudyo. (Heb. 8:13)
  • Point: Sa pamamagitan ng sakripisyo ni Cristo bilang panagot sa kabanalan ng Diyos sa konteksto ng Tipan, itinayo Niya ang makalangit na Kaharian kung saan tayo kabilang.
  • At tinatanggap natin na mga pagpapala ay hindi ang mga anino, kundi ang katuparan sa pamamagitan ng mga espirituwal na pagpapala.
  • At ang mga hindi nakikitang pagpapala na ito ay pwede nating makita sa pamamagitan ng mga ordinansiya at mga sakramento sa Iglesya.
  • Huwag nating kalimutan na ang ating mga talata ay may kaugnayan pa rin sa pagsamba.
  • Heaven is yours now because of Christ, and the realization of this 'eschatology' occurs every Lord's day through ordinances and sacraments.


[Sin to Mortify] - At ito ang nakakalungkot, even sa ating mga Christian, ipinagpapalit natin ang langit sa bakasyon, trabaho, at sa iba't-ibang kaabalahan ng mundo.


  • Gusto natin ang idea ng heaven and future glorification, pero nakakalimutan natin na ang realization ng mga ito ay tuwing Lord's day.
  • The worship of the Church during Lord's Day is our heaven on earth.


Challenge: Dahil dinala mismo ni Cristo ang langit para sa atin, bigyan natin ng priyoridad ang araw ng pag- samba, kung saan dito natin nararanasan ang makalangit na presensya ng Diyos!

 

Ang minsang kamatayan

Note: May ginagawang paghahalintulad ang author ang minsan lang mamatay ang tao at minsan lang din nagsakripisyo si Hesu-Cristo.

  • Alam natin na ang unang pronouncement ng kamatayan ay noong si Adan ay nahulog sa kasalanan, Gen 3:19
  • Ipinapakita nito na dahil sa kasalanan ni Adan, ang kamatayan ay pumasok sa sangkatauhan… Rom 5:12:
  • Bagama’t si Cristo ay hindi bahagi ng kasalanan ni Adan, subalit ang kinuha Niya na katawan ng tao ay naapektuhan ng kasalanan, Siya rin ay mamamatay.
  • Ipinapakita dito na matatanggap ng bawat tao ang kamatayan dahil sa kasalanan.
  • Ipinapakita nito na kailangang masatisfy ang kabanalan ng Diyos.
  • Ito ay isang beses lang mangyayari bilang pagpapakita ng pang-minsanan na sakripisyo ni Cristo.


Point: Ang kamatayan ay nagpapakita ng kabanalan ng Diyos, at nagpapakita rin ng minsang sakripisyo ni Hesu-Cristo.


  • Kaya sa isang mananampalataya o sa hindi mananampalataya, kapag tayo ay nakakakita ng kamatayan, ito man ay kamatayan ng ating mahal sa buhay, o kapit-bahay, ito ay pangangaral patungkol sa kabanalan ng Diyos.
  • Ipinapakita dito na hindi nagbago ang Diyos ng Tipan mula kay Adan, kay Moses, hanggang kay Cristo, kailangang masatisfy ang Kanyang kabanalan.
  • Maaarinv na ang tinutukoy sa “ikalawang pagkakataon” ay ang pangyayari sa AD70…
  • “Second time” = Covenantal appearing, not bodily return.
  • To save” = Vindication and deliverance of the persecuted early Christians (e.g. Luke 21:28).
  • The “salvation” is historical, corporate, and redemptive-historical (i.e., entry into full new covenant blessings).
  • Subalit ito ay totoo pa rin sa atin, muli Siyang babalik upang dalhin ang Bagong Langit at Bagong Lupa.
  • Rev 21:4: "At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man, sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na.""
  • At tandaan rin natin na ang pagpapala na ito ay hindi lang panghinaharap, Heb 9:24:


Challenge: Magkaroon tayo ng kagalakan sa lahat ng aspeto nang ating buhay, dahil kinuha na nang Panginoong Hesu-Cristo ang lahat ng poot ng Diyos para sa atin, at ang tinatanggap nalang natin ay ang biyaya at awa ng Diyos.


[Sin to mortify] – Ang pagiging entitled and ungrateful…


  • Bagama’t walang magsasabi na deserved natin ang biyaya ng Diyos, subalit maaari nating maipakita ang pagiging entitled sa simpleng pagrereklamo.
  • Naunahan ka sa pila? Naunahan ka sa pagmamaneho? Wala kang upuan sa restaurant?
  • Lumalabas ang pagiging ungrateful natin lalong-lalo na sa maliliit na bagay.


[Sin to mortify] – Sa mga ganitong panahon, discomfort, maaalala nawa natin na si Hesu-Cristo ang tumanggap ng lahat ng discomfort ng impyerno upang ang matanggap natin ay buhay na walang hanggan.


  • Kaya maipakita sana natin ang kababaan ni Hesu-Cristo bilang tugong pasasalamat sa ebanghelyo na ating tinanggap (Philippians 2:3-8)