Logo
shake hands
Sermon

Doctrines for Living – Reconciliation

By Pastor Eli Ephraim Caña

Text: 2Cor. 5:12-21 (focus 18-20)


Punto ng Teksto: Si Pablo ay makapangyariang pinangibabawan ng Doktrina ng Pakikipagsundo (Doctrine of Reconciliation) na nagmula sa Diyos at ipinamalas naman ng Diyos kay Pablo sa pamamagitan ni Hesu Kristo. Ang katotohanan ng doktrinang ito ang siyang sumakop sa buhay ni Apostol Pablo tungo sa pakikipagbati sa mga taga Korinto. Mula sa dating buhay na umuusig at tumutuligsa sa mga mananampalataya, si Pablo na ngayon ang siyang unang namamayapa at umaabot sa mga mananampalataya


MESSAGE:

Tag. – “Ang buhay lamang na napapangibabawan ng Ebanghelyo ng Pakikipagbati ang may kakayanan tungo sa patuloy at tapat na pakikipagkasundo.”

Eng. – “Only a life that is mastered by the Gospel of Reconciliation has the power to keep on reconciling”


Note: Paano natin magagawang patuloy na mapapangibabawan at patuloy na makontrol ng Ebanghelyo ng Pakikipagkasundo?


1. Meditate on the MESSAGE of Reconciliation (Pagnilayan ang Pakikipagbati)

Key verses: v. 12-14

  • v. 12 “giving you cause to boast about us” (upang ipagmalaki ng mga Taga- Korinto ang kahangalan ng Krus ni Kristo sa masakripisyong pagbibigay niya ng sarili para sa kaluwalhatian ng Diyos at kaligtasan ng Tao)
  • v. 13 “out or our mind… in our right mind” (sa parehong sirkumstansiya ang nasa isip ni Pablo ay Kaluwalhatian ng Diyos at ang Ikabubuti ng mga Taga-Korinto, hindi ang kaniyang sariling interes)
  • v. 14 “for the Love of Christ controls us… that those who live might no longer live for themselves” (pagpapakita ng malalim na meditasyon at unawa ni Pablo sa ministeryo ng pakikipagkasundo na ginanap ni Kristo)


Biblical Principle: Sentral sa Doktrina ng Reconciliation ang pagbibigay ni Kristo ng kaniyang sarili na ang hinahanap lamang ay ang karangalan ng Diyos at ang ikabubuti ng Makasalanan, hindi ang sariling interes. Ipinakita mismo ng Diyos sa Krus ni Kristo, na ang pakikipagkasundo ay posible lamang sa pamamagitan ng pag-ibig na handang limutin ang sarili at ibigay ang sarili, at kung wala ito ay walang tunay na pakikipagbati.


Sin Problem:

  • Pagbaliwala sa maluwalhating katotohanang ito sa araw-araw na pamumuhay (taken for granted & overlooked)
  • Paglipas ng bawat araw na hindi ito inaalala at pinasasalamatan sa Diyos (presumption)


Gospel Cure: Sa pamamagitan lamang ng patuloy na PAGBULAY at araw-araw na PAG-ALALA ng Ebanghelyo ng Pakikipagbati ang MENSAHE—ay maaring maging MINISTERYO. Ang Mensahe ng Pakikipagkasundo ay dapat munang maghari sa atin nang lubusan, upang ito’y maging isang gawain na ating naipamumuhay.


CHALLENGE:

Pagnilayan araw-araw ang Ebanghelyo ng Pakikipagbati. Being mastered by the Gospel of Reconciliation requires continual remembrance and meditation of it, daily. We are now reordered by the Cross to be God-oriented and Others-oriented through its securing grace – no longer “homo incurvatus in se”… “no longer living for ourselves”. Hindi na natin kaylangan maging pakabig sa ating mga sarili.


2. Initiate on the MINISTRY of Reconciliation (Pangunahan ang Pakikipagbati)

Key verse: v. 18-20


  • God’s work of initiating Reconciliation

v. 18 “All these is from God who through Christ is reconciling us to himself…”

  • Paul’s work of initiating Reconciliation

v. 19 “God… entrusting to us the Message of Reconciliation”…

v. 20 “Therefore, we are ambassadors for Christ, God making his appeal through us. We implore you, on behalf of Christ, be reconciled to God.”


Note: Pinapakita dito ni Pablo na dahil namatay na siya at nabubuhay na hindi para sa sarili, kundi para sa Diyos, kaniya ngayong sinisikap na maging huwaran ang Diyos sa gawain ng pakikipagbati. Dahil ang Diyos ang nanguna sa pag-abot at pakikipagkasunod sa kaniya, ito din ang mensaheng kumontrol sa kaniya tungo sa pangunguna sa pakikipagkasundo at pag-abot sa mga taga Korinto, tungo sa pakikipag-payapa.


Biblical Principle: Ang Pangunguna sa Pakikipagpayapa ay gawaing Kristiyano at pagwangis sa Diyos!

  • Clarification: Not all Conflicts are sinful (e.g. - Theological, Preferential)
  • Pero kung SIN na yung root ng conflict, this must not be tolerated. We must follow the example of God himself in Christ, who dealt with Sin through the Cross to achieve genuine peace, and we must also follow Paul who initiated true reconciliation by confronting the Corinthians with their sins! (see Matt. 18:15-19)
  • Lou Priolo – “sometimes in order to obey God, followers of Jesus Christ are called upon to disturb fake peace”


Sin Problem: We become one of those who initiate and promote False or Fake Peace

  • either by doing nothing (turning a blind eye on the sins of our brethren)
  • or agreeing with it (calling it a truce)
  • This is also rooted in the fear of losing reputation in the eyes of man (desire to be accepted by all)


Gospel Cure: Gawin tanging pamantayan ang SALITA NG DIYOS at ang Halimbawa ng Diyos sa Pakikipagkasundo. Magagawa nating maiiwasan ang peke (peace-faking) at makasalanang pakikipagkasundo (peace-breaking) dahil ang Diyos mismo ang naunang nagmodelo nito at hinalimbawa din naman ng mga Apostol ito sa atin.


CHALLENGE:

Pangunahan ang Biblikal na Pakikipagbati!