Logo
Sermon

Death-Oath Covenant

By Bro. Ezekiel Asis

Note: Ipinapakita dito ng author na dahil iba ang tabernakulo kung saan si Cristo pumasok, at iba rin ang sakripisyo, ang dugo mismo ng Diyos at tao na si Hesu-Cristo, Siya ay tagapamagitan hind ing Lumang Tipan na lumipas na, kundi ng Bagong Tipan.


Ø  Ipinapakita dito ng author si Cristo ang Federal head o Kumakatawan sa Bagong Tipan.

Ø  Kung ang mga seremonya at sakripisyo sa Lumang Tipan ay nagbibigay ng panlabas na paglilinis, at ginagawang tiyak nito ang pagiging myembro ng bayan ng Israel, ang tinitiyak at ipinagkakaloob ng Bagong Tipan sa pamamagitan ng dugo at kamatayan ni Hesu-Cristo ay pamanang buhay na walang hanggan.

Ø  Sa isang last will and testament, ang inheritance o pamana ang priority, but in biblical covenants, the righteousness, and the holiness of God are the priority.

Ø  Kailangang masatisfy ang Kabanalan ng Diyos, either ito ay perpektong pag-sunod at sa pagbabayad sa paglabag sa tipan.

Ø  At ito ay parehas na ginawa ng Panginoong Hesu-Cristo, Siya ang perpektong sumunod sa perpektong demand ng Diyos at Siya rin ang tumanggap ng mga parusa sa paglabag natin sa kautusan at tipan ng Diyos.

 

Message: Ang Kamatayan ni Hesu-Cristo ang Tumupad sa Kabanalan na Hinihingi ng Diyos, Kaya ang Bagong Tipan ay may kakayanang magbigay ng buhay na walang hanggan at totoong paglilinis sa mga myembro nito.


The death of Jesus Christ fulfilled the holiness required by God; therefore, the New Covenant has the power to give eternal life and true cleansing and forgiveness of to its members.

 

1.       The Required Threat of Sanctions in all Covenants

2.       The Required Cleansing and Forgiveness in all Covenants

 

Ang Kinakailangang Babala ng Parusa sa Lahat ng Tipan

Note: Para mas maipakita ng manunulat ang kadakilaan at kaluwalhatian ng dugo at kamatayan ng Panginoong Hesu-Cristo, ipinaliwanang niya ito sa konteksto kung paano nangyayari ang pakikipagtipan ng Diyos sa Lumang Tipan.


Ø  Ang sabi ng author, Heb 9:16-17: "Sapagkat kung saan mayroong tipan, ang kamatayan ng gumawa niyon ay dapat matiyak. Sapagkat ang isang tipan ay pinagtitibay sa kamatayan, yamang ito'y walang bisa habang nabubuhay pa ang gumawa ng tipan."


Mas tamang salin ay:

“Kung saan may tipan, ang kamatayan ng gumagawa ng tipan ay kailangang ipanumpa.”

“Ang isang tipan ay pinagtitibay sa pamamagitan ng mga bangkay.”


Ø  Sa madaling salita, ang isang tipan ay nagiging epektibo lamang kapag may kamatayan o banta ng kamatayan.

Ø  Ipinapakita ng mga salitang Griyego na ito ay hindi lang tungkol sa pamana, kundi sa mga parusang may kaugnayan sa kamatayan na bahagi ng paggawa ng tipan.

Ø  Palaging may parusa sa bawat tipan—lalo na ang kamatayan—maaaring sa isang simbolikong gawa (tulad ng pagdaan sa pagitan ng pinaghating hayop), isang pananalitang sumpa (tulad ni Jonathan), o aktwal na kamatayan (tulad ng sa krus ni Cristo)

Ø  Ipinapakita dito ang bigat ng Tipan, kailangan ng kamatayan dahil sa kabanalan ng Diyos!


Point: Itinayo ng Panginoong Hesu-Cristo ang Bagong Tipan sa Pamamagitan ng Pagtanggap ng kaparusahan ng kasalanan, bilang panagot sa kabanalan ng Diyos, upang matanggap natin ay hindi poot kundi pagpapalang kaligtasan!


[Sin to Mortify] – May mga panahon na kaya tinatanggap ng Diyos ang ating mga paglilingkod at pag-samba ay dahil sa sarili nating kabutihan at katuwiran.


[Gospel Cure] – Dahil kinuha na nang Panginoong Hesus lahat ng sumpa ng tipan, tinatanggap na nang Diyos an gating pag-samba o paglilingkod, gaano man ito kaimperpekto, sa pamamagita ng perpektong katuwiran ni Hesu-Cristo.


Ø  Kung sa Lumang Tipan ay may tiyak na banta ng kamatayan sa mga paglabag nito, sa atin na mga myembro ng Bagong Tipan, bagama’t totoo pa rin ang banta ng Kautusan, ito ay para na sa ating kabanalan dahil kay Cristo.

Ø  Ininom na nang Panginoong Hesu-Cristo ang poot ng Diyos, kaya ang iniinom na natin sa banal na hapunan ay katas ng ubas na simbolo at patunay ng kapatawaran ng kasalanan.

Ø  Ang katawan ni Hesu-Cristo ang nakaranas ng poot ng Diyos, kaya ang kinakain na natin ay ang tinapay ng buhay.

Ø  Si Hesu-Cristo ang tumanggap ng poot ng Diyos, upang ang matanggap natin sa tuwing natatapos ang ating pag-samba ay ang benediction ng Diyos.


Challenge: Kung ikaw ay nagmamalaki, nalulungkot dahil sa paulit-ulit mong kasalanan, nanghihina ka dahil may pinag-dadaanan kang problema o sakit, ang dugo at kamatayan ni Hesu-Cristo ay sapat upang makapagpatuloy ka sa pananampalataya, mamahinga ka sa Panginoong Hesu-Cristo.

 

Ang kinakailangan na paglilinis at kapatawaran sa lahat ng tipan

Note: Makikita natin na may pagkakaiba ang account sa Lumang Tipan (Exo. 40:9-11) sa mga salita na ginamit ng author of Hebrews.


Ø  Pero sa ordination ni Aaron and his sons, Moses killed a bull and with the blood purified the altar. (Lev. 8:10-15)

Ø  Josephus, “as also the tabernacle and its vessels, both with oil that had been previously fumigated… and with blood of bulls and goats.”


Point: Hindi lang sinagot ni Hesu-Cristo ang legal na problema natin sa hukuman ng Diyos, kundi tayo ay nilinis mula sa ating mga kasalanan at nagbigay ito ng tiyak at totoong kapatawaran.


Ø  Ang lahat ng mga pagpapala ng kaligtasan, hindi lang ang pagtuturing sa atin na matuwid ang tiniyak ng kamatayan ni Hesu-Cristo.

Ø  Ito ay tinanggap at tinatanggap natin sa pamamagitan ng ating union sa Panginoong Hesu-Cristo.

Ø  Sa konteksto pa rin pagtatatag ng Bagong Tipan sa pamamagitan ng Banal na Hapunan, ang sabi ni Hesu-Cristo, Mat 26:28: "sapagkat ito ang aking dugo ng tipan," na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan."


[Sin to Mortify] – Ang pag-iisip na kailangan mong pag-paguran ang kapatawaran ni Hesu-Cristo.


[Gospel Cure] – May tiyak na kapatawaran at paglilinis ng kasalanan dahil sa dugo ni Hesu-Cristo.


Challenge: Ipakita natin sa pang-araw-araw na kabanalan na tayo talaga ay totoong tumanggap ng paglilinis at kapatawaran ng kasalanan mula kay Cristo.


ang masamang pagnanasa ng laman

Ø  Ito ay pumapatungkol sa pagnanasa ng laman na makasalanan 

Ø  Sexual immorality, abuse of substance 


ang pagnanasa ng mga mata

Ø  Which are natural, sinful eyes desire

Ø  Job 31:1: ""Ako'y nakipagtipan sa aking mga paningin; paano nga akong titingin sa isang birhen?"


ang pagmamataas sa buhay

Ø  Refers to vain glory 

Ø  George Swinnock, “Pride is the first shirt we put on in Paradise and the last we will take off when we die.”

Ø  Kung tayo ay tumanggap ng kapatawaran ng kasalanan, matoto rin tayong magpatawad sa mga nakagawa ng mali sa atin

Ø  Colossians 3:13, bearing with one another and, if one has a complaint against another, forgiving each other; as the Lord has forgiven you, so you also must forgive.