Logo

Tanging kay Kristo

Tanging kay Cristo ang aking buhay,

S’ya ang sa aki’y pumapatnubay,

Buong pag-ibig na maglilingkod

dahil nais kong S’ya’y bigyang lugod.


O Cristong Mananakop, ako’y Iyong tunay,

Pagkat dahil sa akin ikaw ay namatay;

Ang aking puso’t buhay ay pagharian Mo

Ngayon at magpakailanman, ako ay sa Iyo.


Tanging kay Cristo may kaligtasan,

ang aking sala’y Kanyang pinasan;

Kaya’t pagtawag Niya’y diringgin,

ang bawat utos Niya’y susundin.


O Cristong Mananakop, ako’y Iyong tunay,

Pagkat dahil sa akin ikaw ay namatay;

Ang aking puso’t buhay ay pagharian Mo

Ngayon at magpakailanman, ako ay sa Iyo.


Tanging kay Cristo ipaglilingkod,

ang aking buhay hanggang matapos;

Lahat ng hirap handang tiisin

saan mang dako ako ay dalhin.


O Cristong Mananakop, ako’y Iyong tunay,

Pagkat dahil sa akin ikaw ay namatay;

Ang aking puso’t buhay ay pagharian Mo

Ngayon at magpakailanman, ako ay sa Iyo.