Si Cristo Ang Sandigan Ko
Ang aking pag-asa'y lubos,
Na nakasalig kay Jesus
At ang dugo Niyang dumanak,
Sa aking sala'y panghugas
Si Cristo ang sandigan ko
Siya ang matibay kong Bato
At kanlungan pag may bagyo.
Kahit danasin ko'y hirap,
Biyaya Niya'y laging sapat
Pag dumagsa ang pagsubok,
Ang tatawaga'y si Jesus
Si Cristo ang sandigan ko
Siya ang matibay kong Bato
At kanlungan pag may bagyo.
Kung puso ko'y nalulumbay,
Siya ang aking kaaliwan
At pag ako'y nanlulumo,
Pangako Niya'y pag-asa ko
Si Cristo ang sandigan ko
Siya ang matibay kong Bato
At kanlungan pag may bagyo.
Pag trumpeta'y hinipan na,
At pagdating Niya ang badya
Tayo nawa'y masumpungang,
Kabanalan Niya ang taglay.
Si Cristo ang sandigan ko
Siya ang matibay kong Bato
At kanlungan pag may bagyo.
