Logo

Putungan ang Hari

Hari Ay Putungan – Si Cristong Kordero

Pakinggan ang hukbo ng anghel na nag-aawitan;

Siya ang Panginoon at Manunubos ko,

Atin Siyang luwalhatiin – Haring walang hanggan.


Cristong Anak ng Dios ating dakilain,

Pagliligtas Niya’y ipahayag sa sangkatauhan;

Naghirap Siya sa krus nang dahil sa atin,

Bawat manalig sa Kanya ay may kaligtasan.


Si Cristo ang Haring nagbibigay-buhay,

Sa libingan Siya’y nagtagumpay puspos ng luwalhati,

Ngayo’y nakaluklok sa tronong marangal,

Walang hanggan tayong kasama Niyang maghahari.


Putungan si Cristong Hari ng pag-ibig,

Sa Kalbaryo’y kusang namatay nang tayo’y maligtas;

Kaya’t ang Ngalan Niya’y paksa ng pag-awit,

Kaluwalhatian Niyang taglay ay di magwawakas.