O kahanga hangang Biyaya
O biyayang kahanga-hanga
higit sa sala ko’t dalita;
Sa Kalbaryo’y tumulong kusa
Ang dugo ni Cristong sagana.
O kay lawak nitong biyayang pagliligtas;
O kay lawak ng kay Cristong pagpapatawad.
Sala’t lungko’t ko’y parang along
nagbabantang ako’y ibaon;
Sa biyaya ng Panginoon,
kalul’wa ko’y nakapanganlong.
O kay lawak nitong biyayang pagliligtas;
O kay lawak ng kay Cristong pagpapatawad.
Kahihiyan ko’y di malingid,
pagkat ubod ng dami’t dungis;
Ngunit sa biyayang tumigis,
maruming puso ko’y luminis.
O kay lawak nitong biyayang pagliligtas;
O kay lawak ng kay Cristong pagpapatawad.
