Logo

Kahit na Kubo

Kahit na kubo, ang aming Tahanan

Dito sa lupa'y may kasiyahan,

Pagkat sa langit may nag hihintay

Na kahariang Gintong Lantay!


Ako'y may bahay na Di masisira

Doon sa langit na walang hanggan

Wala nang hapis at laging sariwa,

Sa piling ng Diyos na mayaman.


Kahit sa buhay na ito'y mahirap

Ang kaulayaw ay dusa't saklap

Walang sariling tirahang tiyak

Doon sa langit ako'y may lahat


Ako'y may bahay na Di masisira

Doon sa langit na walang hanggan

Wala nang hapis at laging sariwa,

Sa piling ng Diyos na mayaman.


Huwag kang maawa sa Kalagayan ko

Pagkat sa langit ang aking Tungo:

Pansamantalang naglalakbay dito

Hanggang humantong sa palasyo


Ako'y may bahay na Di masisira

Doon sa langit na walang hanggan

Wala nang hapis at laging sariwa,

Sa piling ng Diyos na mayaman.