Iniligtas ng pagibig
Buhay ko ay kay dilim
Sa sala ay lugmok
At walang makasagip
Buhat sa paglubog
Ngunit dininig ng Diyos
ang aking paghibik
At ako'y iniligtas ng pag-ibig
Pag-ibig Niya ang nagligtas
Sa aking pagkakalugmok, itinaas,
Pag-ibig Niya ang nagligtas
Sa aking pagkakalugmok, itinaas,
Ang lahat sa buhay ko
aking ihahandog
Sa Amang mapagmahal
Sa aki'y tumubos
Pupurihin ko Siya
Nang may pagmamahal
Paglilingkuran
nang may katapatan
Pag-ibig Niya ang nagligtas
Sa aking pagkakalugmok, itinaas,
Pag-ibig Niya ang nagligtas
Sa aking pagkakalugmok, itinaas,
Taong makasalanan
Manalig kay Jesus
Hahanguin ka Niya
Sa pagkakalugmok
Buhay mong binabagyo
Papayapain Niya
Lapit na at kay Jesus
Pasakop ka
Pag-ibig Niya ang nagligtas
Sa aking pagkakalugmok, itinaas,
Pag-ibig Niya ang nagligtas
Sa aking pagkakalugmok, itinaas,
